Isang libo, tatlongdaan walumpu't siyam na mga pulis ang pinalabas ng National Capital Region Police Office sa unang araw ng paghanarap ng kandidatura ng mga tatakbo sa pambansa at lokal na posisyon sa pamahalaan sa 2025 May Elections ngayong araw na ito, Oktubre 1, 2024.
(Larawan mula sa PNP-NCRPO)
Ang mga karagdagang puwersa ng pulisya ay magbabantay sa mga lugar na paghaharapan ng kandidatura ng mga tatakbo sa eleksyon mula Oktubre 1 hanggang 8, 2024.
Sinabi ni NCRPO Chief Police Major General Melencio Nartatez na nakikipagugnayan sila ng husto sa Commission on Elections (COMELEC), mga local government units, at iba pang may kinalaman sa pagsasagawa ng paghaharap ng kandidatura ng mga tatakbo sa eleksyon upang matiyak na maayos itong maisasagawa sa Metro Manila.
"We must uphold a safe environment that fosters the democratic process. We are committed to ensuring that the filing of candidacies in Metro Manila proceeds smoothly and without disruptions," ayon kay Nartatez.
Ang paghaharap ng kandidatura ng mga tatakbo sa eleksyon partikular sa lungsod ng Taguig ay isasagawa sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2024 sa Taguig City Convention Hall sa Pedro Cayetano Boulevard.
1,389 Pulis ng NCRPO, Pinalabas Ngayong Araw na Ito Hanggang Oktubre 8, 2024 Para sa Paghaharap ng Kandidatura sa Eleksyon | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: