Nalaglag sa kamay ng Taguig City Police ang dalawang kalalakihang may kinalaman sa pagnanakaw ng pera na pambayad sana sa motorsiklo ng isang nakipag-meet up sa mg ito sa harap ng Lighthouse Funeral Homes sa C5, Barangay Western Bicutan, Taguig City.
Naaresto ng Taguig City Police Station ang dalawang lalaking edad 31 at 32, mga residente ng Barangay Western Bicutan, kamakailan.
Batay sa imbestigasyon ng Taguig City Police, ang 23 taong gulang na biktimang taga Malate, Maynila ay bibili sana ng motorsiklong ipinost sa Facebook Marketplace ng mga suspek.
(Larawan ng biktima)
Dala nito ang halagamg P60,000.00 na pambayad sa motorsiklo nang magtungo sa harapan ng Lighthouse Funeral Homes para makipag-meet up sa dalawang suspek.
Nang nasa lugar na, biglang tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek at pinilit na kunin ang sling bag ng biktima kung saan naroon ang perang pambili ng motorsiklo. Nandoon din ang driver's license, National ID at power bank ng biktima.
Nag-report ang biktima sa
Sub-Station 2 ng Taguig CPS. Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya makaraang malaman na mayroon na namang nakikipag-ugnayan sa dalawang suspek online na nagnanais bumili ng motorsiklo.
Nakipagtulungan ang pulisya sa bagong bibili at binitag ang dalawang suspek, dahilan upang maaresto ang mga ito sa Barangay Western Bicutan.
Gayunman, ang nakuha na lamang sa mga suspek ay isang Honda PCX motorcycle na ginamit ng mga ito sa kanilang krimen.
(Larawan ng Taguig City Police)
Sa kasalukuyan ay nakakakulong sa custodial facility ng Taguig City Police ang dalawang suspek.
Sasampahan ang dalawa ng paglabag sa Article 294 of ng Revised Penal Code (Robbery).
Ipinayo ng Taguig City Police sa publiko na i-check muna ang background ng nagbebenta at ipagbigay-alam kaagad sa mga otoridad kung may kakaiba sa ka-transaksyon.
warns the public to double-
Kailangan din na ang pagsasagawaan ng transaksyon o meet-up ay ligtas, maraming tao at maliwanag na lugar.
"This successful operation is a testament to the dedication and hard work of our operatives. Their swift action not only brought the suspects to justice but also reassured our community that the Taguig City Police remain committed to protecting our people, upholding the law, and keeping our city safe," ang pahayag ni Police Colonel Byron Allatog, hepe ng Taguig City Police.
2 Lalaking Nagpapanggap na Nagbebenta ng Motorsiklo Subalit Nangho-Holdap ng Ka-Transaksyon, Naaresto sa Barangay Western Bicutan | Taguig Balita
Language: Switch to English
