Walumpung kaso ng pagnanakaw ang kinakaharap ng isang 37 taong gulang na babaeng naaresto ng Southern Police District (SPD) sa Barangay Pembo, Taguig City noong hapon ng Pebrero 23, 2026.
(Larawan ng SPD)
Ang mga kasong Qualified Theft ni alyas Gladys ay ginawa nito sa Makati City. Siya ay nass Top 6 Station-Level Most Wanted Person para sa buwan ng Pebrero sa Makati.
Tatlong milyon at dalawandaang libong piso ang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.
Ang warrant of arrest laban kay Gladys ay ipinalabas ni Judge Anne Grace Mendoza Lim ng Branch 233 ng Makati Regional Trial Court.
"This arrest demonstrates our relentless drive to apprehend wanted persons and enforce the rule of law. The Southern Police District will continue to intensify manhunt operations to ensure that all offenders are held accountable," ang pahayag ni Police Brig. General Randy Arceo, District Director ng SPD.
80 Kaso ng Pagnanakaw, Kinakaharap ng Babaeng Naaresto sa Barangay Pembo | Taguig Balita
Language: Switch to English
