Ang mga naghahanap ng trabaho na mga Taguigeños ay may pag-asang makakuha nito sa isasagawang "Actual Job Interview" sa Setyembre 8, 2025 sa Taguig L.E.A.P. Center (Livelihood Employment & Advancement Program) sa Block 3 Phase 1 Pampanga St. corner 9th Avenue Brgy. Pinagsama, Taguig City, mula alas 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
(Infographic ng Taguig PESO)
Magsasagawa rin ng lecture kaugnay ng "Career Guidance" na makakatulong sa mga aplikante na maging handa sa isasagawang job interview.
Kailangan lamang na magdala ng resume at sariling ballpen ang mga mag-a-apply ng trabaho.
Kailangan ding nakasuot ng maayos na kasuotan na angkop para sa job interview.
Kung may mga katanungan, maaaring tumawag sa teleponong: 7795-8881 o magmensahe sa official Facebook Page: PesoTaguigLGU. Maaari ring mag-email sa [email protected].
Ang programang ito ay hatid ng Public Employment Service Office (PESO) at ng City Government of Taguig.
Actual Job Interview sa mga Taguigeñong Gustong Magka-Trabaho, Isasagawa sa Setyembre 8, 2025 sa Taguig LEAP Center | Taguig Balita
Language: Switch to English
