Iniiwan nyo ba ang inyong sasakyan sa parking building o sa open parking ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals kung kayo ay balikan lamang o ilang araw lamang na lilipad sa ibang lugar?
(Photo by Vera Victoria)
Kailangang pag-isipang mabuti kung gagawin ito dahil nagtaas na ang overnight parking rates sa NAIA mula P300 tungong P1, 200 para sa mga kotse at van simula kahapon, Oktubre 1, 2024.
Ang mga motorsiklo naman ay magbabayad na ng P480 para sa overnight parking samantalang ang mga bus naman ay P2, 400.
Narito ang bagong parking rates sa NAIA:
Cars
First two hours - P50
Succeeding hour - P25 per hour
Overnight - P1,200
Motorcycles
First two hours - P20
Succeeding hour - P10 per hour
Overnight - P480
Buses
First two hours - P100
Succeeding hour - P50 per hour
Overnight - P2,400
Kapag sumobra sa 24 na oras ang pananatili sa parking ng NAIA, kakargahan ang nag-park ng hourly rate. Ang mga nakawala naman ng parking ticket ay magmumulta ng P500 bukod pa sa halaga ng parking nito. May grace period namang 10 minuto kung papasok sa parking area at lalabas din agad.
Ang NAIA ay pinamamahalaan na ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), sa pamumuno ng San Miguel Corporation at Incheon International Airport,
Samantala, binuksan na ang bagong opisyal na website at social media pages ng NAIA. Tingnan ito sa ibaba.
(Photo from NNIC)
"The launch of our website and social media pages is part of our commitment to open communication and transparency. We want the public to be involved every step of the way as we work to transform NAIA into an airport that all Filipinos can be proud of," ang pahayag ni Ramon Ang, Presidente at CEO ng NNIC.
Bagong Overnight Parking Rate sa NAIA, P1, 200 na para sa Kotse, SUV at Van | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: