Binabantayan ngayon ng PAGASA ang posibleng pag-apaw ng mga sumusunod na river basins dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan sa pag-landfall ng Bagyong Enteng sa Casiguran, Aurora at bunga rin ng Habagat.

News Image #1

(Larawan ng PAGASA)

RIVER BASINS:
Agno
Bicol
Cagayan
NCR/Pasig Marikina Laguna de Bay

DAMS/SUB-BASIN:
Angat Sub-basin
Ambuklao-Binga-San Roque Sub-basin

Itinaas ang Signal Number 2 sa 12 lugar sa Luzon habang kumikilos ang bagyong Enteng sa hilaga-kanluran at nakita sa Cordillera Administrative Region.

Sa bulletin na ipinalabas kagabi ng alas 11:00 (Setyembre 2, 2024) ng PAGASA, ang mga nasa Signal Number 2 ay ang:
Ilocos Norte
Hilagang bahagi ng Ilocos Sur (Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, Burgos, San Esteban, Santiago, Lidlidda, Banayoyo, San Emilio, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Gregorio del Pilar, Quirino, Salcedo, Sigay, Cervantes, Suyo, Santa Cruz, Tagudin, Alilem, Sugpon)
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Cagayan kasama ang Babuyan Islands
Isabela
Ang hilagang bahagi ng Quirino (Cabarroguis, Maddela, Aglipay, Diffun, Saguday)
Hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Diadi, Bagabag)
Hilagang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dilasag, Dinalungan)

Nakataas naman ang Signal Number 1 has sa mga sumusunod:
Batanes
Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
La Union
Hilaga-silangang bahagi ng Pangasinan (Sison, San Manuel, San Quintin, Tayug, Natividad, San Nicolas)
Benguet
Ang nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya
Nalalabing bahagi ng Quirino
Gitnang bahagi ng Aurora (Maria Aurora, San Luis, Dipaculao, Baler)
Hilaga-silangang bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon)

Patuloy na kumikilos ang bagyong Enteng sa hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras at ang dalang hangin ay nasa 85 kilometro kada oras at pagbugsong umaabot sa 105 kilometro kada oras.

Mula mamayang hapon, Setyembre 3, hanggang hapon ng Huwebes, Setyembre kuwatro ay kikilos ang bagyong Enteng papuntang West Philippine Sea. Habang dumadaan ito sa Hilagang Luzon, maaari pang lumakas ito, ayon sa PAGASA.

Ang Habagat ay magdadala rin ng katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan sa iba pang bahagi ng Luzon, partikular sa kanlurang bahagi, sa loob ng 3 araw.

Ang bagyong Enteng ay aalis sa bansa sa Setyembre 4, 2024.