Malakas na hangin ang nararanasan ngayon ng Batanes at Northeastern Babuyan Islands sa patuloy na paggalaw doon ng Tropical Cyclone na si Julian patungo sa Balintang Channel.

News Image #1


Ang sentro ng mata ng bagyong Julian ay nasa baybaying dagat ng Balintang Island Calayan, Cagayan kaninang alas 4:00 ng madaling araw.

Ang lakas ng hangin ay nasa 155 kilometro kada oras malapit sa gitna, na may pagbugsong umaabot sa 190 kilometro kada oras. Ang kilos nito ay nasa 10 kilometro kada oras patungo sa kanluran.

News Image #2


Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 4 sa Batanes at hilagang bahagi ng Babuyan Islands at Calayan Islands.

Ang Signal Number 3 naman ay nakataas sa iba pang bahagi ng Babuyan Islands at ang hilaga-silangang bahagi ng mainland Cagayan o sa Santa Ana.

Signal number 2 naman sa iba pang bahagi ng Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.

Signal number 1 naman sa
Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, ang hilaga at silangang bahagi ng Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Muñoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad), at Polillo Islands.

(Mga larawan mula sa PAGASA)