Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Lannie subalit nag-iwan pa rin ito ng malakas na buhos ng ulan sa Northern Luzon.
(Larawan ng PAGASA)
Ang habagat naman ang nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon, kabilang ang Metro Manila.
Kaninang alas 3:00 ng hapon, Setyembre 6, 2025, ang bagyong Lannie ay nasa 430 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
May dala itong hanging 55 kilometro kada oras at pagbugsong 70 kilometro kada oras.
Pinayuhan ang lahat na maghanda sa flash floods, kasama na ang Metro Manila, dahil sa dalang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ng trough ng bagyo at ng habagat.
Kabilang din sa apektado ang Central Luzon, CALABARZON, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, at Marinduque
Bagyong Lannie; Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility; Nag-Iwan pa rin ang Buntot Nito at ang Habagat ng Malakas na Pag-Ulan sa Metro Manila, Northern, Central at Southern Luzon | Taguig Balita
Language: Switch to English
