Malinis na sa ipinagbabawal na gamot ang Barangay Tanyag.
(Larawan ng Barangay Tanyag)
Dahil sa pagkakadagdag ng Barangay Tanyag sa mga drug-cleared barangays, 20 na ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Taguig na malinis na sa droga.
Opisyal nang idineklara ang
Barangay Tanyag na Drug-Cleared Barangay ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) noong Nobyembre 19, 2024 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office in Quezon City.
(Larawan ng Taguig PIO)
Nangangahulugan ito nq natugunan ng Barangay Tanyag ang lahat ng mga kinakailangan katulad ng pagtatanggal ng lahat ng mga taong may kinalaman sa droga - ang mga gumagamit at nagturulak - at gayundin ang mga drug den sa lugar
Ang deliberasyon ay dinaluhan ng mga representante ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of Interior and Local Gocernment (DILG), Department of Health (DOH) at Taguig Anti-Drug Abuse Office (TADAO).
Barangay Tanyag, Drug-Cleared na Rin; 20 Barangays na sa Taguig ang Malinis sa Droga | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: