Binati na ni dating Taguig Mayor at dating 2nd District Congressman Lino Cayetano ang kanyang katunggali para sa pagiging Kinatawan ng Unang Distrito ng Taguig o ang Taguig-Pateros District makaraang maungusan siya nito sa isinasagawang canvassing ng mga boto para sa halalan nitong Mayo 12, 2025.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Sa isang live video nito sa kanyang Facebook Page, sinabi ng direktor na hindi madali para sa kanyang gawin ang talumpati subalit nais niyang maipahayag na agad ang kanyang mensahe ng pasasalamat at pagmamahal sa mga sumuporta sa kanya.


(Video mula sa Facebook Page ni Lino Cayetano)

"Maraming, maraming salamat sa oportunidad na marinig nyo ang aking mensahe ngayong kampanya. Gusto kong pasalamatan ang ating muling nailuklok na congressman, Congressman Ading Cruz. Gusto ko po siyang i-congratulate at ang kanyang pamilya," ayon kay Cayetano.

Pinasalamatan din niya si Engineer Alan Cerafica sa aniya ay mahusay na kampanya.

"Naniniwala ho ako na hindi importante ang politico, hindi importante ang partido, kahit po ang apelyido. Ang importante sa diskurso, yung pagdadala ng solusyon sa mga problema. Yun ang trabaho ng mga lingkod bayan," ayon pa kay Cayetano.

Narito ang resulta ng botohan sa pagka-Kongresista sa Taguig-Pateros District sa pinakahuling tala kagabi, Mayo 12, 2025, ganap na 11:58 ng gab, mula sa 295 Election Returns.

1st

CRUZ, ADING (NP)
117,191 Votes
News Image #2


2nd

CAYETANO, DIREK LINO (NPC)
76,991 Votes

3rd

CERAFICA, ALLAN (PFP)
55,196 Votes

4th

DELA CRUZ, PETER (IND)
2,637 Votes

5th

OPOC, RICARDO (IND)
1,586 Votes