Ginawa ni Zach Campaner, IT consultant ng isang kumpanya sa Estados Unidos, ang web application na https://projectligtas.com upang maging sentro ng pag-uulat tungkol sa mga bahang lugar.
Mismong ang mga mamamayan at ang local government unit na nakakaranas ng pagbabaha sa kanilang lugar ang mag-uulat ng kanilang kalagayan sa pamamagitan ng mga SOS forms, Flood Report Forms, at Real Time Flood Monitoring for Rivers na nasa tabs ng website.
Mayroon din itong AI Flood Risk Prediction.
Ang proyektong ito ay sinimulan ni Campaner noong nakaraang taon, na noong una sana ay para lamang sa Cainta kung saan siya ay nakatira.
"Nakita ko po kasi, sa bayan ng Cainta, ang daming nag-a-ask ng help. It pains me to see people na di naaabutan ng tulong kasi kulang ng ways to reach them. So I am finding ways to help as an IT person," ayon kay Campaner na isang IT graduate ng Far Eastern University - East Asia College na ngayon ay FEU Institute of Technology, nang makapanayam ito ng Taguig.com.
Sariling pera ang ginastos ni Campaner para sa domain at server at sariling talento niya ang ginamit para sa pagbuo ng website na makakatulong sa mga binabaha sa Metro Manila.
May ilan ding bahagi ang kanyang site na pang buong bansa tulad nito:
https://projectligtas.com/flood-risk
Gayundin ang reporting tools:
https://projectligtas.com/help_requests/create
https://projectligtas.com/flood_reports/create
https://projectligtas.com/help_requests/track
Libre itong magagamit ng sinuman, lalo na ng mga LGUs.
Mayroon ding feature ang kanyang website na nagpapakita ng traffic situation sa Metro Manila.
https://projectligtas.com/traffic/info
Bisitahin ang https://projectligtas.com at makipagtulungan upang maiulat ang baha sa inyong lugar.
(Videos at larawan na ibinahagi ni Zach Campaner)
