Naglabas ng paliwanag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay ng mga anunsyo sa taas ng baha sa Metro Manila.

News Image #1

(Larawan mula sa MMDA)

Ang kanilang mga anunsyo sa taas ng baha ay gabay para sa mga motorista upang matantiya kung kakayanin ng kanilang sasakyan na sumuong sa baha kapag umuulan na minsan ay sinasabayan ng high tide.

Sa Flood Gauge System ng MMDA, narito ang ibig sabihin ng "gutter deep," "tire deep" o "knee-deep."

PASSABLE TO ALL TYPES OF VEHICLES (PATV)
8" (inches) - Gutter deep flood
10" (inches) - Half-knee deep flood

NOT PASSABLE TO LIGHT VEHICLES (NPLV)
13" (inches) - Half tire deep flood
19" (inches) - Knee deep flood

NOT PASSABLE TO ALL TYPES OF VEHICLES (NPATV)
26" (inches) - Tire deep flood
37" (inches) - Waist deep flood
45" (inches) - Chest deep flood

Sinabi ng MMDA na may 80 lugar sa Metro Manila ang madalas na binabaha at kabilang dito ang Taft Avenue at España Boulevard sa Manila, G. Araneta Avenue at EDSA malapit sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, Maysilo Circle sa Mandaluyong, Buendia Avenue sa Pasay City, Sucat Avenue sa Parañaque, at JPA Subdivision sa Muntinlupa.