Nananawagan ng hustisya ang pamilya ng isang 28 taong gulang na lalaking sinabuyan ng gasolina at saka sinilaban ng isa pang lalaki ss Barangay Pitogo, Taguig City kamakailan.
(Kuha sa CCTV ng Barangay Pitogo)
Nagtamo ng 3rd degree burns at halos hindi na makilala ang mukha ng binata. Hinihinalang selos ang dahilan ng pagsunog sa biktima.
(Larawan ng biktima)
Nang tingnan ng mga otoridad ang CCTV, nakitang dumating ang isang lalaki habang nakaumpol ang ilan pang mga kalalakihan sa isang eskinita sa Barangay Pitogo. Lumapit ang suspek sa biktimang nakaupo at nagse-cellphone. Binuhusan nito na gasolina ang lalaki at sinabi umanong "ito ang regalo ko sa 'yo" at saka sinilaban ang biktima. Inabot din ng apoy ang suspek subalit ito ay agad na nakatakas. Nadamay rin ang isang babaeng naglalaba malapit sa biktima.
Naniniwala ang ina ng biktima na pinagselosan ng suspek ang kanyang anak dahil dati na itong nagbanta at inabangan pa minsan sa trabaho ang kanyang anak. Dati na ring nag-usap ang mga ito sa barangay at nagkaayos.
Ang suspek naman ay nagkaroon na rin ng isyu sa sarili nitong asawa dahil sa pananakit, pang-aabuso sa pananalita at pang-aabusong mental.
Hustisya Para sa 28 Taong Gulang na Sinunog ng Kabarangay sa Pitogo, Hinihingi ng Pamilya | Taguig Balita
Language: Switch to English
