Walang pasok sa buong bansa sa Enero 29, 2025 bilang selebrasyon ng Lunar Chinese New Year, sa bisa ng Proclamation Number 727 Series of 2024 ng Malakanyang.

News Image #1

(Larawan ni Marou Sarne)

Dahil isang special non-working day ang Enero 29, narito ang gabay ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagbabayad sa mga empleyadong magta-trabaho pa rin sa araw na ito:

1. Ang hindi magta-trabaho sa araw na ito ay hindi babayaran, maliban na lamang kung mayroong collective bargaining agreement kung saan nakasaad na babayaran ang empleyado sa non-working days.
2. Ang mga papasok naman sa trabaho sa Enero 29 ay babayaran ng dagdag na 30 porsiyento sa kanilang basic daily wage para sa unang 8 oras. Ito ay iko-compute bilang Basic Wage x 130%,
3. Ang mga mag-o-overtime naman o hihigit sa 8 oras ang trabaho ay kailangang bayaran ng dagdag na 30% sa kanilang hourly rate sa araw na iyon. Ito naman ay kakalkulahin bilang Hourly Rate x 130% x bilang ng oras na nagtrabaho.
4. Kapag tumama sa araw ng pahinga o off duty day ng manggagawa ang special non working day, ang empleyado ay bibigyan ng dagdag na 30% sa kanilang hourly rate, Ikakalkula ito ng Hourly Rate x 150% x 130% x bilang ng oras na ipinagtrabaho.
5. Kapag nag-overtime naman sa rest day, ang trabaho na higit sa 8 oras sa rest day na tatama naman sa special non working holiday ay magbibigay sa empleyado ng dagdag na 30% sa hourly rate nito na kakalkulahin bilang: Hourly Rate x 150% x 130% x bilang ng oras na ipinagtrabaho.
Samantala, ang mga magtutungo naman sa Binondo sa Manila sa bisperas ng Chinese New Year ay pinapaalalahanan na sarado ang kahabaan ng Quintin Paredes mula P/ Burgos Avenue hanggang Dasmarinas Street mula alas 9:00 ng gabi ng Enero 28, 2025.

Sarado rin ang Jones Bridge, Plaza Cervantes at ang Binondo-Intramuros Bridge.

Sinuspinde naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme sa Enero 29, 2025