Isa na namang pagkakataon upang makapamili ng sariwa at murang bilihin ang ihahatid sa mga Taguigeños ng Kadiwa ng Pangulo.
Ang Kadiwa ng Pangulo ay dadalhin sa Ballecer Covered Court sa Barangay South Signal ngayong Huwebes, Oktubre 16, 2025, mula alas 8:00 ng umaga hanggang hapon.
(Larawan ng Taguig PIO)
Makakabili rito ng mga sariwang gulay, prutas, karne, itlog, food delicacies, leather products, at beauty at pet soaps sa murang halaga.
Dito rin mabibili ang bigas na nagkakahalaga lamang ng P20.00 bawat kilo. Ito ay maaaring ipagbili sa mga Taguigeñong nasa 4Ps, mga solo parents, Persons with Disabilities, TODA, at Senior Citizens. Kailangan lamang na ipakita ang kanilang balidong ID kaugnay ng kinabibilangang sektor para makabili ng murang bigas.
Hinihikayat din ang mga mamimili na magdala ng kanilang sariling eco bag.
Kadiwa ng Pangulo, Dadalhin sa Barangay South Signal Ngayong Oktubre 16, 2025 | Taguig Balita
Language: Switch to English
