Ang Kadiwa ng Pangulo ay nasa Kadena de Amor Extension, Barangay Wawa ngayong Huwebes, Hulyo 31, 2025.

News Image #1

(Larawan ng City Agriculture office of Taguig)

Ito ay magtatagal hanggang mamayang alas 4:00 ng hapon.

Makakabili rito ng P20.00 kada kilo na bigas para sa mga bulnerableng mamamayan.

Kabilang sa makakabili ng beinte pesos na bigas ay ang mga kabilang sa 4Ps, solo parents, Persons with Disabilities, at Senior Citizens. Magdala lamang ng balidong ID (4Ps ID, Solo Parent ID, PWD ID, o Senior Citizen ID).