Maaari na muling magparehistro para sa National ID simula ngayong araw na ito, Marso 5, 2026, sa Taguig City Hall.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Kasabay nito, maaari ring magparehistro ang mga social pensioners sa kanilang payout schedule.

Ang National ID Registration ay isinasagawa ngayon sa Taguig City Hall Auditorium sa lumang City Hall mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Bukas din ang rehistrasyon kahit Sabado at magpapatuloy ito hanggang sa Marso 31, 2026.

Nasa link na ito ang kumpletong requirements:
https://bit.ly/NationalIDRegistrationExtension

Mayroon ding National ID registration centers sa dalawang barangay sa Taguig ngayon:

• SS Brigade Library Satellite Office, Western Bicutan
• North Signal Barangay Hall, Pili Extension, Barangay North Signal

Ipinapaalala ng Philippine Identification System (PhilSys) na rehistrasyon lamang ng National ID ang kanilang ginagawa sa mga naturang lugar sa Taguig at hindi dito naglalabas ng National ID.