Nagbabala ang mga biologists mula sa Ateneo de Manila University na may uri ng isda, na dating inaalagaan lamang sa bahay, ang ngayon ay nasa Laguna de Bay.
(Larawan ni Mariko Aboganda)
Ang isdang ito ay maaaring maging mapanganib sa mga native na isdang nasa naturang lawa.
Natagpuan ang isdang Barbonymus schwanefeldii, o tinfoil barb, na kulay pilak ang kaliskis at kulay kahel naman ang palikpik at buntot, sa bahagi ng Laguna Lake sa Cardona, Rizal noon pang Setyembre 2024.
Sinabi ng pag-aaral ng mga biologists ng Ateneo na nakikita lamang dati ang isda sa ornamental fish trade at hindi pa ito natagpuan sa anumang ilog o lawa sa bansa bago ang pagkakadiskubre rito sa Laguna Lake.
Ang isdang omnivorous, o kumakain ng halaman at hayop, at detritivorous o kumakain ng patay na hayop o halaman, ay dating natatagpuan lamang sa mga bansa sa Southeast Asia tulad ng Thailand, Cambodia, Vietnam, at Laos.
"The mode of introduction of this species in Laguna de Bay is unknown; it may have been accidentally or willfully released from an aquarium, considering its importance in the aquarium industry," ang pahayag ng mga siyentista sa Ateneo.
"The large area of Laguna de Bay and the migratory behavior of this species, coupled with a generalist feeding habit, suggest that it may be more widespread and may have moved into rivers that feed into the lake, in turn exacerbating its spread," dagdag pa ng mga siyentista.
Sinabi ng mga siyentista na ang presensya ng B. schwanefeldii sa Laguna de Bay ay maaaring maging kunpetensiya ng mga native na isda sa pagkain sa lawa.
"Although ours was the first confirmed sighting of B. schwanefeldii in Laguna de Bay, sightings have also been reported in nearby rivers such as in Pagsanjan, Laguna, and elsewhere. We hope that local authorities can help raise awareness and put in further monitoring efforts, not just for this but for other invasive species as well," ang pahayag naman ng lead researcher na si Kent Elson Sorgon.
Ornamental Fish na Hindi Native sa Pilipinas, Natagpuna sa Laguna Lake | Taguig Balita
Language: Switch to English
