Sa halagang P50, makakapanood ng sine ang mga mamamayan sa iba't ibang sinehan sa buong bansa sa "Sine Sigla sa Singkwenta" na hatid ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

News Image #1


Bilang selebrasyon ng ika-50 taon ng MMFF, ipapalabas ang mga sikat at makasaysayang pelikula mula sa nakaraang 50 taon na lumahok sa MMFF.

Limampung pelikula ng MMFF ang matutunghayan sa halagang P50 kada panood mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 15, 2024.

News Image #2



said the initiative aims to recognize the MMFF's decades-long contributions to the Philippine film industry and celebrate the evolution of the MMFF films throughout the years.

"With the Sine Sigla sa Singkwenta screenings, we will bring some of the most memorable MMFF films back to the big screen for just 50 pesos, allowing both new audiences and long- time fans to experience the magic of those beloved films once again. These films represent some of the best of what the MMFF has offered over the past five decades," ayon kay
Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman at MMFF Overall Concurrent Chairman Atty. Don Artes.

News Image #3


Ang ilan sa mga pelikula ay isinailalim pa sa proseso ng restoration, quality enhancements, at remastering para mas maging malinaw ang pelikula.

Subalit may ilan ding lumang pelikulang hindi na ginalaw para manatili ang kanilang orihinal na pagkakagawa.

News Image #4


Kabilang sa 50 pelikulang ipapalabas ay ang mga sumusunod:

1) Insiang
2) Mano Po
3)Jose Rizal
4) Crying Ladies
5) Ang Panday (1980)
6) Big Night
7) Ang Tanging Ina Mo
8)Minsa'y Isang Gamu-Gamo
9) Langis at Tubig
10) Blue Moon
11) Ang Panday (2009)
12) Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon
13) Walang Forever
14) Bulaklak ng Maynila
15) Moral
16) Himala
17) Captain Barbell (1986)
18) Kung Mangarap Ka't Magising
19) Ang Alamat ng Lawin
20) Ang Larawan
21) Shake, Rattle, and Roll II
22) Atsay
23) Mga Bilanggong Birhen
24) Kung Mawawala Ka Pa
25) Die Beautiful
26) Agila ng Maynila
27) Manila Kingpin the Untold Story of Asiong Salonga
28) May Minamahal
29) Sunday Beauty Queen
30) Magic Temple
31) Ang Babae sa Septic Tank 2
32) Brutal
33) Markova
34)Miracle in Cell No. 7
35) Shake, Rattle, and Roll 1
36) Darna (1991)
37) Bad Bananas sa Putting Tabing
38) Karnal
39) Tanging Yaman
40) Firefly
41) Bonifacio ang Unang Pangulo
42) Karma
43) One More Try
44) Imortal
45) Kasal, Kasali, Kasalo
46) Okay Ka Fairy Ko
47) Yamashita the Tiger's Treasure
48) Gandarrapido Revenger Squad
49) Feng Shui II
50) Rainbow's Sunset

Kabilang sa pagpapalabasan ng singkuwentang pelikula ng MMFF ay ang mga sumusunod:

SM Cinema, Robinsons Movie World, Ayala Malls Cinema, Megaworld Cinemas, Gateway Cineplex 18, Fisher Box Office, Shangri-La Plaza Cinema, Red Carpet Cinema, at Vista Cinema.

News Image #5


(Mga larawan mula sa MMFF)