Iminungkahi ni dating Finance Secretary Cesar Purisima na tanggalin na sa sirkulasyon o i-demonetize ang perang papel na P1000 at P500.
Aniya, sa pamamagitan nito, maiiwasan ang korapsyon lalo na sa pamahalaan.
(Larawan mula sa Facebook Page: Cesar Purisima)
Sinabi ni Purisima na nagawa na ito ng India, European Union, Nigeria at Singapore.
Ayon sa dating Finance Secretary, noong 2016, winithdraw ng India ang kanilang ₹500 at ₹1000 bank notes upang ma-target ang black money at pekeng cash.
Noong 2016 din, phinase out ng European Union ang kanilang €500 note upang mabawasan ang money laundering at terror financing.
Ang Nigeria naman noong 2022 ay binago ang disenyo at tinanggal ang kanilang high-value notes upang makita ng mga bangko ang mga ilegal na transaksyon.
Ang Singapore naman noong 2014 ay inihinto ang pagpi-print ng kanilang $10,000 note noong 2014 bilang panlaban din sa money laundering.
Ang Canada, noong 2000, ay winithdraw ang kanilang $1000 bill sa sirkulasyon upang malabanan ang organisadong krimen.
Sinabi ni Purisima na ang mga testimonya ng mga umaming kasabwat sa mga maanomalyang flood control projects na mga inhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nagpakitang madaling mailipat ang malalaking pera dahil sa naka-bundle ito sa mga P1000 bills.
(Larawan ng Taguig.com)
"They described billion-peso cash deliveries where they said each large suitcase of ₱1,000 bills could only contain about ₱50 million. They mentioned that a ₱1 billion cash delivery to a Congressman at the Shangrila BGC parking lot required around 20 suitcases, multiple vehicles, and massive coordination. Now imagine if the largest bill in circulation were only ₱200. That same ₱1 billion would have needed 100 suitcases, a convoy of vehicles, and a warehouse just to store the cash. The sheer impracticality would make this kind of corruption much harder to hide," ang pahayag ni Purisima.
Iminungkahi ni Purisima na upang isakatuparan ang demonetization, bigyan ang publiko ng 6 na buwan para ipapalit ang kanilang ₱1000 at ₱500 bills.
Hingan ang mga ito ng balidong National ID kapag magpapapalit sa bangko.
Ang anumang palitan ng hanggang ₱500,000 at mas mataas pa ay kakailanganing ideposito sa isang bank account at ireport sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
"This isn't foolproof. Corruption will always look for ways to adapt. But it will raise the cost, the risk, and the logistical difficulty of hiding and moving dirty money. It will also force billions currently stashed in vaults, basements, under beds and closets back into the banking system where accountability can reach it," ang pahayag pa ni Purisima.
Pag-Demonetize ng P1000 at P500 Bills, Iminungkahi ni Dating Finance Secretary Cesar Purisima Upang Mapigilan ang Korapsyon | Taguig Balita
Language: Switch to English
