Naitala sa kasaysayan ng Pilipinas at ng buong mundo ang pagsungkit ng tennis star na si Alex Eala sa Women's Tennis Association championship sa 2025 Guadalajara 125 Open, ngayong umaga ng Linggo, September 7, 2025.

Natalo ni ng 20 taong gulang na si Eala si Panna Udvardy ng Hungary sa iskor na, 1-6, 7-5, 6-3 sa laro sa Grandstand Caliente sa Mexico.

News Image #1

(Larawan mula sa GDL Open)

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Eala sa pagiging kauna-unahang Pilipina na nakamit ang kampeonato sa WTA.

"History has been written by Alex Eala as she becomes the first Filipino to win a singles title," ang saad ni Marcos sa isang social media post.

Sinabi ni Marcos na ang tagumpay ni Eala ay isang malaking panalo para sa bansa, kasabay ng pagtiyak na dadagdagan pa ng pamahalaan ang suporta sa mga Pilipinong atleta na nagnanais na sundan ang kanyang yapak.

"We will do everything to ensure that more Filipino athletes follow this path and showcase to the world the talent and heart of the Filipino," ang pahayag ni Marcos.

Ang panalo ni Eala sa Guadalajara Open ay nagdagdag sa kanyang limang International Tennis Federation singles titles at 2022 US Open girls' trophy.

Noong Agosto 25, nagtala rin sa kasaysayan ang pagkakatalo ni Eala kay Clara Tauson ng Denmark sa US Open victory.