Mas padadaliin ang pagba-byahe sa Taguig hanggang Rizal sa pamamagitan ng bagong rutang Bicutan, Taguig hanggang Taytay, Rizal na dadaan sa C6 Road.
Sa ipinalabas na Board Resolution No. 007 Series of 2026 ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinamagatang: "Reopening of PUJ MUCEP Route: BICUTAN, TAGUIG - TAYTAY, RIZAL and vice versa sa ilalim ng Board Resolution 345 series of 2025, nakasaad na 15 units ng mga modern jeeps o nasa ilalim ng implementasyon ng Public Transport Modernization Program (PTMP) ang patatakbuhin dito.
(Kopya ng resolusyon ng LTFRB)
Itinakda sa Pebrero 18, 2026 ng alas 10:30 ng umaga ang deadline sa pagsusumite ng mga qualification documents ng mga interesadong operators ng modern jeepney na makapasada sa naturang ruta.
"The deadline of submission of the qualification documents shall be on 18 February 2026
at 10:30 am and the opening thereof will follow at 2:00 pm, subject to the same guidelines set forth under MC 2019-013 and MC 2025-038," ang nakasaad sa resolusyon ng LTFRB.
Kung saking mabigo sa inisyam na proseso ng kwalipikasyon, bibigyan ng 15 working days mula Pebrero 18, 2026, upang sila ay makapagharap ng Letter of Intent at qualification documents.
Una nang itinakda noong Enero 8, 2026 ang pagsusumite ng aplikasyon subalit walang nag-apply para sa naturang ruta.
Rutang Bicutan Hanggang Taytay at Pabalik, Binuksan ng LTFRB; Nag-aanyaya sa 15 Modern Jeepneys na Mag-Apply | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
