Dadayo sa Barangay West Rembo sa Hulyo 3, 2025 at sa Barangay Western Bicutan sa Hulyo 5, 2025 ang Taguig Love Caravan.

Inaanyayahan ang mga residente ng naturang barangay na magtungo ng alas 7:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon sa Sports Complex parking area ng Barangay West Rembo ngayong Huwebes at sa SS Brigade Covered Court sa Barangay Western Bicutan ngayong Sabado para makapagpakonsulta sa mga doktor at makakuha ng iba pang medikal na serbisyo.

News Image #1


Mayroong dental services tulad ng dental check up at pagbunot ng ngipin, at fluoride application sa mga batang edad isa hanggang sampu.

Ang diagnostic van ay mayroong X-ray, ECG, ultrasound para sa: Upper Abdomen, Whole Abdomen (WAB), Neck Ultrasound, Thyroid Ultrasound, Hepatobiliary Tree (HBT), Kidneys, Urinary Bladder (KUB), at Kidneys, Urinary Bladder Prostate (KUBP).

News Image #2


Ang mga nangangailangan ng pelvic ultrasound na mga kababaihan ay maaaring dumiretso na lamang sa North Signal Super Health Center.

Sa Taguig Love Caravan ay mayroon ding laboratoryo para sa mga sumusunod:
• Complete Blood Count (CBC)
• Platelet Count
• Random Blood Sugar (RBS)
• Blood Typing
• Urinalysis

Mayroon ding cooking demo at lecture sa Pinggang Pinoy para sa 50 lalahok dito.

Mamimigay rin ng mga sariwang prutas at gulay na inani mula saTaguig Urban Garden.

Ang mga wala pang Philhealth membership ay tutulungang magparehistro partikular ang mga seniors, PWDs at buntis.

Mayroon ding libreng gamot na ipamimigay maliban lamang sa maintenance medicines na personal na idedeliver sa bahay ng mga nagpatingin.

Libre rin ang hearing aids sa mga nangangailangan nito at tutulungan din ang mga seniors na magtatanong tungkol sa kanolang birthday gift cash.

(Ang mga larawan ay mula sa Taguig PIO)