Isang bagong vishing o voice phishing scam ang kumakalat ngayon kung saan ang mga manloloko ay nagpapanggap na mga tauhan ng National Telecommunication Commission (NTC).

News Image #1


Ayon sa Globe Telecom Incorporated, sa kanilang pahayag na inilabas mula sa kanilang tanggapan sa Bonifacio Global City, Taguig City, ang mga scammers ay tumatawag sa mga biktima at sinasabing ang kanilang numero sa mobile phone ay nauugnay sa mga ilegal na aktibidad.

Makaraan ito ay mananakot ang tumatawag at manghihingi na ng pera s biktima at babantaan na aarestuhin kung hindi tutugon sa kanilang hinihingi.

"Criminals prey on our natural respect for authority, using it as a weapon to deceive and manipulate. This is what we see in this new scam modus, where fraudsters pretend to be NTC officials," ang pahayag ni Globe chief information security officer Anton Bonifacio sa pahayag nito sa media.

Ayon naman sa inilabas na pahayag ng NTC, pinaalalahanan nitong maging mapagbantay at mulat ang mga may-ari ng mobile phone upang hindi malinlang ng mga ganitong scammers.

"The NTC strongly reminds the public to be extra cautious against this type of modus operandi. If you have any information about this type of scam, you may report it to the NTC for immediate action through the following official channels: www.ntc.gov.ph complaint link or email: [email protected].

News Image #2



Sinabi naman ng Globe na aktibo sila ngayon sa pagba-block ng mga numero na nauugnay sa iba't ibang uri ng scam at nakikipagtulungan din sa NTC para matukoy ang mga scammers na ito.

(Mga larawan ng NTC)