Isang lalaki ang nasugatan makaraang magtamo ng 1st degree burn sa magkabilang kamay. Ginamot ito ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Taguig City sa kanilang sasakyan sa pamamagitan ng ibinigay na first aid. Tumanggi ang lalaking magpadala pa sa ospital makaraang malapatan ng lunas ng mga bumbero.
Umabot lamang ng unang alarma ang sunog na nagsimula ng alas 4:14 ng hapon at naapula ng alas 4:37 ng hapon.
Inaalam pa ang naging dahilan ng sunog.
Ipinaalala ng BFP na sakaling magkaroon ng sunog o anumang emergency ay tawagan agad sila sa
8837-0740, 8837-4496 o sa mobile number na 0906-211-0919. Maaari rin silang marespondehan agad kung tatawag sa National Emergency Hotline na 911.
(Video ni Buena Mare Bargamento Estrada)
(Larawan ng BFP NCR Taguig)
