Dalawang motorcycle riders ang nasugatan kung saan ang isa ay malubha, sa isang aksidente sa C5 Road southbound, sa bahagi ng Palar, Barangay Pinagsama, Taguig City kaninang umaga, Hulyo 7, 2025.
Nadaanan ni Police Chief Master Sergeant Mauricio B. Ruiz ng RFMB-NCRPO ang mga naaksidenteng riders kung saan ang isa ay tumilapon at nabasag ang mukha, samantalang ang isa pa na nagde-deliver ng liquefied petroleum gas (LPG) ay nagtamo rin ng mga sugat.
Agad na dinaluhan ni Ruiz ang mga naaksidente at tumawag ng ambulansya at mga enforcers ng Traffic Management Office ng Taguig City.
Nakipagtulungan din ang ilang mga dumaraang motorcyle riders.
Sinabi ni Ruiz na nadala agad sa pagamutan ang mga nasugatan.
"Paalala po sa lahat, mag-ingat sa pagmamaneho, dahil may mga mahal sa buhay tayong nag-aabang ng ating ligtas na pag-uwi," ang pahayag ni Ruiz.
(Mga larawan ni PCMS Mauricio Ruiz ng RFMB-NCRPO)
2 Motorcycle Riders, Sugatan, Ang Isa ay Malubha, sa Aksidente sa C5 Road, Palar, Barangay Pinagsama, Taguig City | Taguig Balita
Language: Switch to English
