Nanghuhuli na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa tulong ng mga traffic enforcers ng mga pumapasada pa ring mga public utility vehicles na hindi sumali sa consolidation para maging kooperatiba sa ilalim ng modernization program para sa pampublikong sasakyan.
Sinimulan kahapon, Mayo 16, 2024, ang panghuhuli makaraan ang 15 araw na grace period o pagbibigay sa mga unconsolidated public utility vehicles na dapat ay tumupad sa deadline noong Abril 30.
Ang mga mahuhuling PUVs ay maaaring mabigyan ng isang taong suspensyon ang driver, papatawan ng multang P50, 000 ang operator at ang sasakyan ng mga ito ay dadalhin sa impounding area at mananatili roon ng 30 araw.
Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Andy Ortega na naubusan na sila ng paraan kung paano magkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng transport groups na tumatanggi pa rin sa Public Transport Modernization Program (PTMP).
"Ilang dayalogo ang ginawa ng LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) pati kami sa DOTr especially sa mga kasamahan natin sa Piston, we had half a dozen or more meetings with them, we discussed concerns and then we look for solutions. Siguro it's transparent to say na wala na pong naging usapin dahil nga talagang nagdi-disagree na sila sa programa ng gobyerno," ayon kay Ortega.
Ang PISTON at MANIBELA ay lumapit muli sa Korte Suprema para magpalabas ng temporary restraining order laban sa PTMP kasabay ng pagkwestyon sa kung naaayon bai to sa Saligang Batas.
Sinabi naman ng DOTr na may 80% na rin ng mga PUVs ang nakasunod sa consolidation requirement ng PTMP.
(Mga larawan ni Dek Terante)
1 Taong Suspensyon sa Driver, P50k Multa sa Operator, Impounding ng Jeep ng 30 Araw, sa Mahuhuling Bumabyaheng PUV na Hindi Sumama sa Consolidation | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
