Humigit kumulang sa isandaang Pilipinong caregivers ang kailangan sa South Korea. Inihayag ito ng Department of Migrant Workers (DMW) makaraang ilunsad ang Employment Permit System (EPS) sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

News Image #1

(Contributed Photo)

Sinabi ng DMW na ang proyekto ay magiging tugon sa pangangailangan ng South Korea para sa tutulong sa pag-aalaga ng mga bata.

"Qualified caregivers will assist with childcare, daily tasks like cleaning and laundry, and support for pregnant women. It will also open up new job opportunities for qualified Philippine caregivers," ayon sa DMW.

Ang mga interesadong aplikante ay kailangang may Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) National Certification II Caregiving Certificate at nasa pagitan ng edad na 24 hanggang 38.

Maaari ring tumawag sa DMW Pre-Employment and Government Placement Bureau's numbers sa +63 2 87221146 at +63 2 87221181.