Mahigit isang milyong piso ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mgq operatiba ng Philippine National Police (PNP) - Drug Enforcement Group (DEG) at Special Operations ng PNP-NCR sa isang buy-bust operation sa Barangay North Signal.

News Image #1


Naaresto rin ang tatlong suspek na sina Arnel Peregrino Luzon, 37 years old, Jeromel Yedra Pade, 46 years old, at Rey Alcomendras Follero, 39 years old.

News Image #2


Nakuha sa mga ito ang 200 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang Php1,360,000.00 nang isagqwa ang operasyon sa 72-B Sampaloc Extension North Signal Village Taguig City noong Mayo 12, 2024 ganap na 7:30 ng gabi.

Ang mga inaresto ay mahaharapan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o ang Republic Act No. 9165.

(Larawan mula sa PNP-DEG)