Labinganim na bahay na tinitirhan ng 55 tao ang nasunog sa Pulong Kendi, Barangay Santa Ana, Taguig City noong Mayo 5, 2024.

News Image #1


Ang mga nasunugan ay inilagay sa Old Talipapa sa barangay kung saan itinayo ang evacuation center para pansamantalang tirhan ng mga nasunugan.

Nagpadala rin ang pamahalaang lungsod ng Taguig ng mga kakailanganin ng mga nasunugan sa kanilang pang-araw-araw at may ipinuwesto ring mobile kitchen.

News Image #2


May ipapaabot ding pinansiyal na tulong ang Taguig City Government.

News Image #3


Ipinaalala naman ng Bureau of Fire Protection - Taguig City na doblehin ang pag-iingat sa mga gawain o bagay na maaaring maging dahilan ng sunog.

(Mga larawan mula sa FB Page: Lani Cayetano at Taguig PIO)