Dalawang babae at isang lalaki ang natiyempuhan ng mga pulis ng Taguig City na may dalang ipinagbabawal na gamot sa Kalayaan Street, Barangay Ususan, Taguig City noong Abril 5, 2024.

News Image #1


Ang mga suspek na kinilala lamang sa alyas na Edwin, 47 taong gulang, alyas Nancy na 44 taong gulang at alyas Alice 59 taong gulang, ay naharang ng mga tauhan ng Sub-station 4 habang nagpapatrulya bandang 7:40 ng gabi noong Biyernes.

Nakuha sa mga suspek ang 10 plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 17 gramo at tinatayang halagang ₱115,600.00.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay ibinigay na sa Southern Police District Forensic Unit (SPDFU).

Mahaharap naman sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Larawan mula sa Taguig Police)