Bukas na ang Public Employment Service Office (PESO) Taguig sa pagtanggap ng mga aplikante para sa Special Program for the Employment of Students (SPES) - private.

News Image #1

(Larawan ng Taguig City Government)

Dalawandaan lamang ang bibigyab ng pagkakataon upang makapagtrabaho ng 78 araw sa Coffee Bean and Tea Leaf.

Magsumite ng aplikasyon sa Hulyo 13, 2026, alas 9:00 ng umaga, sa PESO Office sa Taguig LEAP Center (Livelihood, Employment & Advancement Program) sa Block 3, Phase 1, Pampanga St. corner 9th Avenue, Brgy. Pinagsama, Taguig City.

Ang mga hinahanap na aplikante ay babae at lalaki, 18 hanggang 24 na taong gulang na residente ng Taguig, estudyante o out-of-schoom youth, at kailangang hindi pa naka-graduate o ga-graduate sa kolehiyo. Kailangan ding medically fit upang magtrabaho.

Magdala ng updated na resume at sariling ballpen.

Maaaring magtanong sa email. [email protected] o tumawag ss (02) 7795.8881.