May kasong murder ang isang 21 taong gulang na Top 2 Most Wanted Person sa Metro Manila na nahuli ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) at Taguig City Police sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City noong Oktubre 7, 2025.
Bukod dito, si alyas Jomar at miyembro rin ng isang carnapping syndicate, ayon sa SPD.
Bandang alas 3:00 ng hapon noong Martes nang maaresto si Jomar sa Manalili Street, Barangay Upper Bicutan, Taguig City.
(Larawan ng SPD)
Napag-alaman na si Jomar ay residente ng Barangay Maharlika, Taguig City.
Mayroong aktibong warrant of arrest laban kay Jomar nang siya ay maaaresto. Ito ay may kinalaman sa krimeng pagpatay na paglabag sa Revised Penal Code Article 248. Ipjnalabas ni Judge Marivic Cudilla Vitor, ng Taguig Regional Trial Court Branch 266 ang naturang arrest warrant na walang inirekomendang piyansa.
Sa kasalukuyan ay nakakulong na si Jomar sa Taguig City Police Station.
"The arrest of Jomar marks another significant breakthrough in the SPD's intensified campaign against wanted persons and criminal groups operating within Metro Manila. His apprehension sends a strong message of justice for victims of heinous crimes and showcases the relentless efforts of the police to keep communities safe," ang pahayag ng SPD.
21 Taong Gulang na May Kasong Pagpaslang at Miyembro ng Carnapping Syndicate, Arestado sa Barangay Upper Bicutan | Taguig Balita
Language: Switch to English
