Isang delivery rider ang inaresto ng Taguig City Police sa Barangay Ususan, Taguig City dahil hindi lamang mga ordinaryong gamit ang dine-deliver nito kung hindi sangkot din sa ipinagbabawal na gamot.

Ang 23 anyos na kinilala lamang sa alyas na John ay inaresto noong Sabado ng umaga, Hulyo 25, 2026, sa bahay nito sa Barangay Ususan sa bisa ng warrant of arrest.

News Image #1


Ang warrant of arrest ay ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 69, Taguig City noong Hunyo 22, 2026 dahil sa paglabag ni John sa Section 12, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nahatulan na si John at magsisilbi na lamang ng sentensya nito.