Isang 28 taong gulang na Chinese national na sinasabing may kinalaman sa panloloko online, at natagpuan pang lipas na ang panahon ng pinayagang pananatili nito sa Pilipinas, ang nagtangkang lumabas ng bansa noong Abril 28, 2024.

News Image #1

(Larawan mula sa Bureau of Immigration)

Inaresto si Qin Xingye sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Linggo bago pa ito nakasakay sa kanyang flight patungong Hong Kong.

Nang humarap si Qin sa Immigration Officer sa NAIA para sa kanyang clearance upang makasakay ng eroplano palabas ng bansa, lumabas sa computer ang kanyang pangalan sa listahan ng overstaying sa bansa bukod sa napag-alamang nagta-trabaho ito nang walang kaukulang permiso. May kinalaman din umano ito sa mga cyberfraud activities.

"He was referred by the immigration officer to his supervisors who verified Qin's identity and later confirmed that the passenger and the person in the bureau's derogatory list are one and the same," ayon kay Immigration Chief Norman Tansingco.

Inaresto si Qin at inilagay sa immigration blacklist dahil sa pagiging undesirable alien. Sa kasalukuyan ay nakadetine sa Qin sa Immigration Detention Facility a Camp Bagong Diwa, Taguig City.