Inilipat na ang voting centers ng apat na barangay sa Taguig City.
Ayon sa Commission on Elections - Taguig City, ang mga inilipat ay ang Barangay Wawa na mula sa dating pinagbobotohan sa Eusebio C. Santos Elementary School ay inilipat na sa Taguig Science High School sa M.L. Quezon Avenue, Barangay San Miguel, Taguig.
Ang mga botante naman sa Barangay San Miguel ay boboto na sa Eusebio C. Santos Elementary School sa M.L. Quezon mula sa dating pinagbobotohan sa C.P. Tinga Elementary School.
Ang mga botante naman ng Barangay Fort Bonifacio na dating bumoboto sa Gat Andres Bonifacio High School at ang mga taga Barangay Pinagsama na bumoboto sa Western Bicutan National High School, Kapt. Eddie T. Reyes Integrated School at Palar Integrated School ay ililipat na sa Venice Grand Canal Mall sa Upper McKinley Hill, Barangay Pinagsama, Taguig City.
"Layunin ng paglipat na ito na mapabuti ang accessibility, ma-decongest ang voting centers, at maging mas maayos ang daloy ng pagboto sa nalalapit na 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 (𝐁𝐒𝐊𝐄) and the succeeding elections," ang pahayag ng Comelec-Taguig.
Hinihikayat din ang mga apektadong rehistradong botante na beripikahin muna ang kanilang precinct number at voting center sa Office of the Election Officer - Taguig City bago ang araw ng eleksyon.
(Mga larawan ng Comelec-Taguig)
4 na Barangay sa Taguig, Inilipat ang Lugar ng Botohan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
