Nagtaas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Hulyo 14, 2026.
Nag-anunsyo ang Shell Pilipinas na epektibo kaninang alas 6:00 ng umaga, ang diesel ay tumaas ng ₱4.60 kada litro.
Ang gasolina naman ay tumaas ng ₱1.00 kada litro.
Ang kerosene ay tumaas ng ₱2.30 kada litro.
Ang inirerekomendang adjustment ng Department of Energy (DOE) sa presyo ng mga produktong petrolyo ay ang sumusunod:
Diesel - ₱2.62 kada litro hanggang P4.62 kada litro na pagtataas
Gasolina- bawas na ₱1.00 kada litro hanggang ₱1.00 kada litro na pagtataas.
Kerosene - ₱2.22 kada litro hanggang ₱4.22 kada litro na pagtataas.
Ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay dahil sa panibagong palitan ng military strikes ng Estados Unidos-Israel at Iran.
Pormal na ring nag-withdraw ang Iran sa Memorandum of Understanding nito sa Estados Unidos sa tigil-putukan sa Gitnang Silangan.
Naglunsad ang Iran ng missiles at drones sa Gulf states kabilang ang Kuwait, Bahrain at United Arab Emirates at idineklara na namang sarado ang Strait of Hormuz.