Maaari nang kumuha ng white beep cards ang mga estudyante, senior citizens at persons with disabilities para sa kanilang 50 porsiyentong diskwento sa pagsakay sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.

News Image #1


Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na bawat istasyon ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 ay may 100 white beep cards simula kahapon, Setyembre 23, 2025.

News Image #2


"Magkakaroon ng queuing number system sa bawat istasyon, on a first come-first served basis. Magsisimula ang pagproseso sa mga aplikante tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8AM hanggang 5PM, o hanggang sa maubos ang 100 white beep cards sa istasyon," ayon sa DOTr.

News Image #3


Kung hindi naman makakaabot sa pila, sinabi ng DOTr na maaaring tanungin sa station supervisor kung saan mayroong white beep card at maaaring sumakay ng libre sa tren (LRT-2 at MRT-3 lamang) patungo sa istasyon kung saan ito magpapa-print ng white beep card.

Kailangan ding maghanda ng P30.00 para sa white beep card.

Isinasaayos pa ng AF Payments Inc. (AFPI) ang supply ng white beep cards.