Maaari nang kumuha ng white beep cards ang mga estudyante, senior citizens at persons with disabilities para sa kanilang 50 porsiyentong diskwento sa pagsakay sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na bawat istasyon ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 ay may 100 white beep cards simula kahapon, Setyembre 23, 2025.
"Magkakaroon ng queuing number system sa bawat istasyon, on a first come-first served basis. Magsisimula ang pagproseso sa mga aplikante tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8AM hanggang 5PM, o hanggang sa maubos ang 100 white beep cards sa istasyon," ayon sa DOTr.
Kung hindi naman makakaabot sa pila, sinabi ng DOTr na maaaring tanungin sa station supervisor kung saan mayroong white beep card at maaaring sumakay ng libre sa tren (LRT-2 at MRT-3 lamang) patungo sa istasyon kung saan ito magpapa-print ng white beep card.
Kailangan ding maghanda ng P30.00 para sa white beep card.
Isinasaayos pa ng AF Payments Inc. (AFPI) ang supply ng white beep cards.
50% na Diskwento sa Pamasahe sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3 Para sa mga Estudyante, Seniors at PWD, Makukuha na sa Pamamagitan ng White Beep Card | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
