Sinimulan ng pension fund na Social Security System (SSS) ang isang bagong pamamaraan ng pag-iipon ng per ana maaaring kumita ng 7.2% taun-taon.

Inilunsad ng SSS ang MySSS Pension Booster program na papalit sa kasalukuyang Worker's Investment and Savings Program (WISP) at WISP Plus,

News Image #1


Mas maganda ito, ayon sa SSS, dahil ang WISP ay kumikita lamang ng 5.33% at ang WISP Plus naman ay 6.87%.

Ang target ng MySSS Pension Booster, ayon kay SSS President at CEO Rolando Macasaet, ay ang mga corporate managers at executives, doktor, abogado, overseas Filipino workers, expats, marino at mga batang propesyonal na mas malaki ang kinakailangang retirement fund.

News Image #2


Dalawang paraan din ang paglahok sa programang ito - mandatory at voluntary scheme. Sa ilalim ng mandatory scheme, otomatikong i-e-enroll ang mga miyembro ng SSS na nagbibigay sa regular na programa, samantalang sa ilalim naman ng voluntary scheme, ang mga interesadong miyembro ng SSS ay mag-e-enroll sa savings plan sa pamamagitan ng kanilang My.SSS account.

SSS vice president Joy Villacorta said the mandatory scheme automatically enrolls SSS members contributing to the regular program while the voluntary scheme encourages interested SSS members to enroll in the savings plan through their My.SSS account.

Ang boluntaryong pagsali ay maaaring makuha ng P500 sa bawat pagbabayad samantalang ang pinakamataas na kontribusyon ay ibabase naman sa limitasyong itatakda ng SSS collection partners.

Kapag kailangan na ang pera, ang mga miyembro ay maaaring mag-withdraw ng kanilang kabuuang kontribusyon kasama ang kita sa kanilang puhunan. Puwede ang bahagi lamang o buong pagwi-withdraw ng inipon.

Subalit ayon sa SSS, mas mainam kung mananatili sa programa ang miyembro ng hanggang limang taon para makuha ang mas malaking kita sa kanilang ipon.

(Mga larawan mula sa SSS)