Tinamaan ng 8.8 na lindol ang far eastern na bahagi ng Russia na Kamchatka Peninsula kaninang umaga dahilan upang lumikha ito ng tsunami na umabot sa 10 hanggang 13 talampakan ss ilang bahagi ng Kamchatka.

News Image #1

(USGS photo)

Ang unang alon na 30 centimetro o 1 talampakan ay tumama sa Hokkaido, Northern Japan at nagbabala ang mga otoridad na may susunod pa na mas malakas.

May babala na rin ng tsunami sa Alaska at Hawaii, at gayundin sa Guam at iba pang isla sa Micronesia.

Sa Pilipinas, may babala na ng tsunami na hindi hihihigit sa isang metro na maaaring tumama mamayang ala 1:20 hanggang alas 2:40 ng hapon, Hulyo 30, 2025, sa mga sumusunod na lugar:

• Batanes Group of Islands
• Cagayan
• Isabela
• Aurora
• Quezon
• Camarines Norte
• Camarines Sur
• Albay
• Sorsogon
• Catanduanes
• Northern Samar
• Eastern Samar
• Leyte
• Southern Leyte
• Dinagat Islands
• Surigao del Norte
• Surigao del Sur
• Davao del Norte
• Davao Oriental
• Davao Occidental
• Davao del Sur
• Davao de Oro

News Image #2

(Photo3]
(Larawan ng PHIVOLCS)

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga nakatira sa baybayin ng mga naturang lugar na maaari silang tamaan ng tsunami kaya't kailangang lumayo muna rito at mag-ingat.