Humihingi ang pamahalaang lungsod ng Taguig ng agarang aksyon sa Department of Health (DOH) kaugnay ng kakulangan sa bakuna laban sa pertussis.

News Image #1


Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na nalalagay sa panganib ang kalusugan ng mga bata lalo na sa pertussis o tusperinq dahil hindi naibibigay ang kinakailangang bakuna sa mga lokal na health centers.

"Children are in danger because there is a shortage of vaccines. Kahit hindi pandemic level ito, it is still very alarming. We are asking the Department of Health to provide us with definite answers regarding the availability of vaccines for pertussis," ayon kay Cayetano.


Ayon naman kay DOH Secretary Ted Herbosa, ang pagbaba ng stocks ng bakunang pentavalent (5-in-1) ay bumababa dahil sa tumataas na kaso ng pertussis sa bansa. Sa pinakahuling bilang noong Marso 25, ang stock ng bakuna ay nasa 64,400 doses na lamang.

News Image #2


Mayroon naman aniyang ibang pamalit tulad ng Diphtheria-Tetanus-Pertussis (DTP) para lamang may maibigay na proteksyon sa mga bata habang hinihintay ang bagong batch ng 3 milyong pentavalent na bakuna.

Gayundin, mayroong stocks ng pentavalent at TDaP vaccines na nasa pribadong sektor.

Mula Enero 1 hanggang Marso 30, 2024, may kabuuan nang 1,112 kaso ng pertussis sa bansa at 54 na ang nasasawi.

Sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang measles at pertussis ay problema ng maraming bansa sa mundo makaraang hindi naibigay ang routine vaccination sa mga bata noont panahon ng Covid-19 lockdown.

(Larawan mula sa Taguig PIO at Department of Health)