Magsasagawa ng audition para sa mga mahusay na mang-aawit ang Barangay Bagumbayan sa Bagumbayan Multi-Purpose Building bukas, Hulyo 4, 2026 ng hapon.

Ang mga papasa sa audition ang kakatawan sa Barangay Bagumbayan sa Taguig River Festival: Sing It! Inter-Barangay Singing Competition.

Ang audition para sa Kids/Teens Category o edad 5 hanggang 17 years old, ay isasagawa sa ik-apat na palapag ng Bagumbayan Multi-Purpose Building bukas mula 1:00 PM hanggang 3:00 PM.

Ang mga lalahok naman sa Adults Category o 18 years old pataas, ang audition ay mula 3:00 PM hanggang 5:00 PM.

News Image #1


Ang unang 15 mag-o-audition sa bawat kategorya ang tatanggapin. Maaaring solo, duo, o trio ang performance, at isang entry lamang bawat kategorya ang maaaring katawanin ng bawat barangay.

Dalhin lamang ang Voter's Certificate bilang botante ng Taguig, at ang tugtog/accompaniment na gagamitin sa performance.

Ang mga menor de edad naman ay kailangang may isang magulang o guardian na rehistradong botante ng ng Taguig.

(Art card ng Brgy. Bagumbayan)