Tatlong suspek ang inaresto ng Taguig City Police kaugnay ng natagpuang labi ng isang babaeng nakasilid sa maleta sa creek ng Barangay Tanyag, Taguig City.

Natukoy na rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng babae, ayon sa post ng Taguig City Police sa social media page nito.

News Image #1


"Sa tulong ng mga concerned citizen, natunton din ang pinangyarihan ng krimen. Sa isinagawang ocular inspection sa bahay ng suspek, nakarekober ang mga awtoridad ng mga ebidensyang may kaugnayan sa kaso, kabilang ang sako na pinaniniwalaang ginamit sa pagtatago ng bangkay," ang post ng Taguig City Police sa kanilang social media page.

Hindi binanggit ng pulisya kung saan naaresto ang tatlong sispek subalit ito umano ay sa isang bahay kung saan nakakuha pa sila ng mga hinihinalang drug paraphernalia.

Tiniyak ng pulisya na patuloy ang kanilang imbestigasyon sa kaso upang mas mapatatag pa ang mga ebidensya laban sa mga suspek at masampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.