Labingtatlong kaso ng pagnanakaw ang kinakaharap ng isang 30 taong gulang na babaeng naaresto sa Barangay Southside, Taguig City.

News Image #1


Ang babae ay may mga kaso sa Pasig City subalit sa Mayon Street, Palar Village, Barangay Southside ito nahuli bandang alas 7:30 ng gabi kamakailan.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas laban sa suspek ng Pasig City Regional Trial Court Branch 261.

May piyansang itinakda rito sa halagang ₱180,000 para sa unang 6 na bilang ng kaso nitong pagbanakaw at 6 pa na may piyansang ₱168,000. Ang natitirang pito ay may itinakdang ₱348,000 na piyansa.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ito ng Pasig City Police Station.