May bagong mga palaruan sa Taguig Ecopark na nasa C5 Service Road, Barangay Pinagsama, Taguig City upang mas marami pang mapaglaruan ang mga bata sa naturang parke.

News Image #1

(Larawan ng Taguig City Government)

Kabilang dito ang mga bagong see-saw, makukulay na slides, at iba pang interactive installation na hindi lamang ligtas at masaya para sa mga bata kung hindi nagtuturo rin sa kanila ng pakikihalubilo.

Ang Taguig Ecopark ay bukas mula Martes hanggang Linggo, alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.