Isang bagong multi-purpose building at health center ang pinasinayaan sa Barangay South Signal noong Oktubre 7, 2025.
Ang 𝐐𝐮𝐢𝐫𝐢𝐧𝐨 𝐌𝐮𝐥𝐭𝐢-𝐏𝐮𝐫𝐩𝐨𝐬𝐞 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐚t 𝐒𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐒𝐢𝐠𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 ay binuksan na para sa mga mamamayan ng Taguig sa isang seremonyang pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Ang dalawang palapag na Quirino Multi-Purpose Building ay mayroong basketball court, daycare center na may dalawang silid aralan, isang storage room, at mga opisina ng barangay.
Mayroon ding conference room sa ground floor. Ang ikalawang palapag naman ay mayroong training center at terrace.
Samantala, ang apat na palapag na South Signal Health Center ay maaaring puntahan ng mga nais na magpa-konsultang medikal, may dental services at mayroon ding minor surgery rooms.
Mayroon din itong TB DOTS area at isang waste holding section.
Nasa ikalawang palapag ng health center ang maternal and family health services na mayroong prenatal at family planning rooms, isang nurses' station, breastfeeding area, at medical stockroom.
Ang ikatlong palapag naman ay may clinical laboratory, microbiology section, at staff pantry, samantalang ang roof deck ay mayroong espaayong taniman at pahingahan.
"Ang gusali ay mananatiling gusali, pero nag-iiba kapag may layunin. As we dedicate this building, we also ask the Lord to bless everyone who will use this facility-na sa bawat paggamit nila, maramdaman nila ang kabutihan ng Panginoon at ang pagmamahal ng gobyerno sa kanila," ang pahayag ni Mayor Cayetano makalipas ang inagurasyon ng mga pasilidad.
"As we dedicate the structure, we also ask the Lord to bless the people who will man the health center, dahil sila ang pinaka-integral na bahagi ng ating serbisyo. Ang pasilidad ay ikinatutuwa, pero ang serbisyong mahusay ay ipinagbubunyi. Kayo ang gagamitin ng Panginoon para matupad ang mission ng health center-ang magbigay ng kagalingan, comfort, at encouragement sa bawat lumalapit dito," ang pahayag pa ng alkalde.
(Mga larawan ng Taguig PIO)
Bagong Multi-Purpose Building at Health Center sa Barangay South Signal, Binuksan Na | Taguig Balita
Language: Switch to English
