Bumibilis habang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong tatawaging Francisco.
(Larawan ng PAGASA)
Nasa labas pa ito ng PAR o may layong 1,850 kilometro silangan ng Eastern Visayas.
Ang nagpapaulan ngayon sa Metro Manila ay ang tinatawag na easterlies.
Ang bilis ng hangin ng bagyo ay nasa 55 kilometro kada oras, na may pagbugsong 70 kilometro kada oras.
Papasok ito sa PAR sa pagitan ny gabi ng Hunyo 20 hanggang umaga ng Hunyo 21.
Posible itong mag-landing sa bansa sa Martes o Miyerkules at may posibilidad din na itaas ang Wind Signal Number 1 sa hilaga at silangang bahagi ng Northern Luzon.
Bagyo, Papasok ng PAR Ngayong Katapusan ng Linggo, Tatawaging Francisco | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
