Malayo pa ang Bagyong Basyang subalit inuulan na nito ang ilang bahagi ng Pilipinas partikular sa Visayas at Mindanao.
Kaninang alas 8:00 ng umaga, Pebrero 4, 2026, ang Tropical Cyclone na si Basyang ay nasa 735 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
(Infographic ng PAGASA)
Ang bilis ng hangin nito ay nasa 55 kilometro kada oras at may pagbugsong 70 kilometro kada oras. Kumikilos naman ito patungo sa timog kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Naglabas naman ng pagtataya ng malakas na ulan ang PAGASA ngayon hanggang bukas, Pebrero 5, 2026 sa mga sumusunod:
(50-100 mm):
Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental
Bukas hanggang Sa Biyernes ng tanghali, Pebrero 6:
(100-200 mm):
Southern Leyte, Bohol, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Camiguin, at Misamis Oriental
(50-100 mm):
Eastern Samar, Samar, Leyte, Cebu, Negros Oriental, Siquijor, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Bukidnon, Davao del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental
Biyernes ng tanghali hanggang Sabado ng tanghali, Pebrero 7, 2026:
(100-200 mm):
Aklan at Antique
(50-100 mm):
Palawan, Oriental Mindoro, Romblon, Capiz, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental.
Bagyong Basyang, Nagpapaulan na sa Visayas at Mindanao | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
