Ang bagyong Danas (international name at dating bagyong Bising nang nasa Philippine Area of Responsibility pa) ay papunta sa silangan hilagang silangan sa ibabaw ng karagatan ng itaas ng Hilagang Luzon batay sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA kaninang alas 11:00 ng umaga).

News Image #1


Ang lokasyon ng bagyong Danas kaninang alas 10:00 ng umaga ay nasa 460 kilometro kanluran ng Basco, Batanes.

News Image #2


Ang pinakamalakas na hanging dala nito ay nasa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna na may pagbugsong nasa 90 kilometro kada oras.

News Image #3


Tinatayang aabot sa 330 kilometro mula sa gitna ang lawak ng nasasakupan ng malakas na hangin nito.

Magiging malakas din ang alon na aabot sa 3 metro ang taas sa karagatan ng Batanes at Ilocos Norte gayundin sa Babuyan Islands sa Cagayan.

Aabot sa 2.5 metro ang alon sa hilagakanlurang bahagi ng Ilocos Sur at sa nalalabing bahagi ng Ilocos Norte.

Aabot naman sa 2 metro ang alon sa karagatan ng Zambales, Pangasinan at La Union.

Posibleng maging mas malakas na bagyo ang Danas sa loob ng 24 oras.

(Mga larawan ng PAGASA)